Briatico
Briatico | |
|---|---|
| Comune di Briatico | |
| Mga koordinado: 38°44′N 16°2′E / 38.733°N 16.033°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Calabria |
| Lalawigan | Vibo Valentia (VV) |
| Mga frazione | Conidoni, Mandaradoni, Paradisoni, Potenzoni, San Costantino, San Leo, Sciconi |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 27.92 km2 (10.78 milya kuwadrado) |
| Taas | 51 m (167 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 4,427 |
| • Kapal | 160/km2 (410/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Briaticesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 89817 |
| Kodigo sa pagpihit | 0963 |
| Santong Patron | San Nicolas ng Bari, Madonna Immacolata, Madonna del Carmine |
| Saint day | Disyembre 6, Hulyo 16 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Briatico (Bisantinong Griyego: Ευριατικόν Euriatikón) ay isang komuna at baybaying bayan sa Calabria, Italya, sa Lalawigan ng Vibo Valentia. Noong 2007, ang Briatico ay may tinatayang populasyon na 4,053.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noon pang 1496, ang piyudo ay ipinagkaloob sa pamilyang Español na de Castro Bisbal, na nakakuha ng titulong mga konde. Kasama nila, nagsimula ang isang panahon ng mas matatag na pamamahala, na tumagal hanggang sa katapusan ng ika-16 na siglo, nang, sa pagkawala ng lahing ito, ang fiefdom ay naipasa sa pamilyang Pignatelli di Monteleone, na namuno sa Briatico hanggang sa pagbuwag ng piyudalismo noong 1806.
Mga monumento at tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Lumang Briatico, na nakatayo sa isang burol sa kanan ng ilog Murria, na winasak ng lindol noong 1783, ay nananatili ang mga guhong medyebal na kastilyong itinayo ni Ferdinando Bisbal at ng sinaunang sentro ng bayan, na noong panahong iyon ay mayroong 12 simbahan, 3 kumbento at may napakalaking kahalagahan sa kasaysayan at kultura.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulak ng turismo ang ekonomiya sa Briatico, na nakikita sa pasilidad (mga otel, pamayanan, kampuhan, at iba pa) na napupuno at nag-aalok ng mga serbisyo tuwing tag-init. Marami ang nahahalina sa mga tanawin ng Briatico sa magandang dalampasigan na may halong mga talampas at baybayin.
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "The World Gazetteer". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-01. Nakuha noong 2007-02-24.
