Pumunta sa nilalaman

Villa Santina

Villa Santina

Vile (Friulian)
Comune di Villa Santina
Lokasyon ng Villa Santina
Map
Villa Santina is located in Italy
Villa Santina
Villa Santina
Lokasyon ng Villa Santina sa Italya
Villa Santina is located in Friuli-Venezia Giulia
Villa Santina
Villa Santina
Villa Santina (Friuli-Venezia Giulia)
Mga koordinado: 46°25′N 12°55′E / 46.417°N 12.917°E / 46.417; 12.917
BansaItalya
RehiyonFriul-Venecia Julia
LalawiganUdine (UD)
Mga frazioneInvillino
Pamahalaan
 • MayorDomenico Giatti
Lawak
 • Kabuuan12.99 km2 (5.02 milya kuwadrado)
Taas
363 m (1,191 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan2,204
 • Kapal170/km2 (440/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarVillots o Villosi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
33029
Kodigo sa pagpihit0433
WebsaytOpisyal na website

Ang Villa Santina (Friulian: Vile) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Rehiyonal na Entidad Pangdesentralisasyon ng Udine, awtonomong rehiyon ng Friul-Venecia Julia, hilagang-silangang Italya, na matatagpuan mga 110 kilometro (68 mi) hilagang-kanluran ng Trieste at mga 45 kilometro (28 mi) hilagang-kanluran ng Udine.

Ang Villa Santina ay nasa hangganan ng mga sumusunod na munisipalidad: Enemonzo, Lauco, Raveo, Tolmezzo, at Verzegnis.

Binago ang pangalan ng Villa Santina noong 1867. Ang dating pangalan ay Villa di Invillino, dahil ito ay isang frazione noon ng lumang munisipalidad ng Invillino; ang kasalukuyang pangalan ay nagmula sa Col Santino (402 m), kung saan nakatayo ang bayan.

Sa Villa Santina, kasama ng Italyano, ginagamit ng populasyon ang wikang Friulano. Alinsunod sa Resolusyon Blg. 2680 noong Agosto 3, 2001, na inilabas ng Konsehong Rehiyonal ng Rehiyong Awtonomo ng Friul-Venecia Julia, ang munisipalidad ay kasama sa proteksiyong teritoryal ng wikang Friulano para sa mga layunin ng pagpapatupad ng Batas 482/99, Batas Rehiyonal 15/96, at Batas Rehiyonal 29/2007.[3]

Ang wikang Friulian na sinasalita sa Treppo Grande ay isa sa mga variant na kabilang sa Gitnang-Silangang Friulano.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Toponomastica: denominazioni ufficiali in lingua friulana".
  4. ↑ "Toponomastica: denominazioni ufficiali in lingua friulana".
[baguhin | baguhin ang wikitext]