Pumunta sa nilalaman

Samo, Calabria

Samo

Samu (Sicilian) Σάμος (Griyego)
Comune di Samo
Lokasyon ng Samo
Map
Samo is located in Italy
Samo
Samo
Lokasyon ng Samo sa Italya
Samo is located in Calabria
Samo
Samo
Samo (Calabria)
Mga koordinado: 38°04′N 16°04′E / 38.067°N 16.067°E / 38.067; 16.067
BansaItalya
RehiyonCalabria
Kalakhang lungsodRegio de Calabria (RC)
Lawak
 • Kabuuan50.22 km2 (19.39 milya kuwadrado)
Taas
390 m (1,280 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan784
 • Kapal16/km2 (40/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
89030
Kodigo sa pagpihit0964
Websaythttp://comune.samo.rc.it/

Ang Samo (Calabrian: Samu; Griyego: Σάμος) ay isang maliit na bayan at komuna na matatagpuan sa Kalakhang Lungsod ng Regio de Calabria, Katimugang Italya. Ang populasyon ng Samoa ay 1,090 ngunit dumarami ito ayon sa pana-panahon. Ang Samoa ay halos 10 kilometro (6 mi) papasok mula sa baybayin at mga 390 metro (1,280 tal) itaas ng antas ng dagat. Matatagpuan ito sa paanan ng Pambansang Liwasan ng Aspromonte.

Ang Samoa ay may ilang sariwang bukal tubig na dumadaloy sa kalapit na bundok at papunta sa ng bayan na ginagamit ng karamihan ng populasyon para sa pag-inom.

Heograpiyang pisikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Samo ay isang maliit na bayan sa bundok sa silangan ng Regio de Calabria, na nakapatong sa isang mataas na burol sa timog-silangang dalisdis ng Kabundukan ng Aspromonte, sa hilaga ng Ilog Laverde. Ang orihinal na pamayanan, na ngayon ay mga guho, na tinatawag na Precacore, ay itinayo sa isang mas mataas na lugar, na nakapatong sa mga dalisdis ng isang kalapit, mas matarik at mas masungit na bundok. Ang pagpunta sa bundok ay sa pamamagitan ng isang makitid na landas sa bundok, na kamakailan lamang naibalik at nailawan para magamit ng mga prusisyon sa relihiyon na pumupunta sa sinaunang nayon noong panahon ng patron, at ng mga mamumundok na gustong galugarin ang bundok nang naglalakad.

Talaksan:Samo (Italia)-Stemma.png

Ang eskudo de armas at ang bandila ng munisipalidad ng Samo ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng Dekreto ng Pangulo ng Republika noong Abril 11, 1986.[3]

Mga kakambal na bayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Samo ay kapatid na bayan ng isla ng Samos sa Gresya.

  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Samo, decreto 1986-04-11 DPR, concessione di stemma e gonfalone". Archivio Centrale dello Stato.
[baguhin | baguhin ang wikitext]