Amato
Amato | |
|---|---|
| Comune di Amato | |
| Mga koordinado: 38°56′N 16°28′E / 38.933°N 16.467°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Calabria |
| Lalawigan | Catanzaro (CZ) |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Saverio Ruga |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 20.93 km2 (8.08 milya kuwadrado) |
| Taas | 480 m (1,570 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 824 |
| • Kapal | 39/km2 (100/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Amatesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 88040 |
| Kodigo sa pagpihit | 0961 |
| Santong Patron | Francisco ng Paola |
| Saint day | Abril 2 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Amato (Calabres: Amàtu; Griyego: Amathous) ay isang komuna at bayan sa lalawigan ng Catanzaro sa rehiyon ng Calabria ng Italya.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Amato ay isa sa mga pinakalumang bayan sa Calabria. Nabanggit ito ng pilosopong Griyego na si Aristoteles at ng Romanong Plinio ang Nakatatanda sa isa sa kaniyang libro. Tinawag niya itong "Sinus Lametinus" (Pantalang Lametino).
Mga monumento at tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Makasaysayang Palasyo sa Amato
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga makasaysayang gusali sa Amato, tiyak na mababanggit at maaalala: Palazzo Timpone (isang maharlikang palasyo noong ika-17 siglo na pagmamay-ari ng pamilyang Mottola hanggang 1811), Palazzo Rossi (itinayo noong bandang kalagitnaan ng ika-18 siglo; lugar ng kapanganakan ng mangangaral na si Francesco Rossi), Palazzo Mauro (itinayo noong kalagitnaan ng ika-18 siglo), Palazzo Jenzi (itinayo noong 1700s), Palazzo Papucci (mula noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo), at panghuli ang Palazzo Graziano (mula noong unang kalahati ng ika-17 siglo).
Kastilyong Piyudal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Amato, sa Via Marconi, makikita pa rin ang mga labi ng isang kastilyong piyudal na mula pa noong ika-11-12 siglo. Sa kastilyong ito, ang tanging makikita ay isang portada, ilang pader, at isang tore na ipinanumbalik para sa mga layuning residensiyal.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
