Pumunta sa nilalaman

Altare

Altare
Comune di Altare
Eskudo de armas ng Altare
Eskudo de armas
Lokasyon ng Altare
Map
Altare is located in Italy
Altare
Altare
Lokasyon ng Altare sa Italya
Altare is located in Liguria
Altare
Altare
Altare (Liguria)
Mga koordinado: 44°20′10.32″N 08°21′38.4″E / 44.3362000°N 8.360667°E / 44.3362000; 8.360667
BansaItalya
RehiyonLiguria
LalawiganSavona (SV)
Pamahalaan
 • MayorGiuseppe Flavio Genta
Lawak
 • Kabuuan11.3 km2 (4.4 milya kuwadrado)
Taas
398 m (1,306 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan2,034
 • Kapal180/km2 (470/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarAltaresi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
17041
Kodigo sa pagpihit+39 019
Santong PatronS.Rocco
Saint dayAgosto 16
WebsaytOpisyal na website

Ang Altare (Ligurian: Artâ , Piedmont: Latè, L'Atæ sa lokal na diyalekto) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Savona, rehiyon ng Liguria, hilagang-silangang Italya, na matatagpuan mga 45 km (28 mi) kanluran ng Genova at humigit-kumulang 11 km (6.8 mi) hilagang-kanluran ng Savona . Noong Enero 1, 2009, ito ay may populasyon na 2,160[3] at lawak na 11.7 km2 (4.5 mi kuw).[4]

Ang Altare ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Cairo Montenotte, Carcare, Mallare, Quiliano, at Savona.

Ang Altare ay nasa kanluran lamang ng Pasong Cadibona, na nasa 459 m (1,506 tal)[5] ay naghahati sa Alpes Ligures mula sa Apeninos ng Liguria. Tinatawag din itong daanan ng Altare, mapupuntahan ito mula sa baybayin sa Via Nazionale Piemonte, na paliko-likong paakyat mula sa Savona at tatawid sa Piamonte patungo sa kapatagan ng hilagang Italya.

Ang Altare ay tahanan ng isang sinaunang tradisyon ng paggawa ng salamin, na nagsimula pa noong Gitnang Kapanahunan. Hindi pa rin alam ang pinagmulan ng mga gawaan ng salamin ng Altare. Ayon sa tradisyong pasalita, ang sining ay ipinalaganap mula sa Hilagang Pransiya ng mga mongheng Benedictino.[6] Ipinapalagay ni Samuel Kurinsky na ang mga orihinal na manggagawa ng salamin ay mga Sefardi na Hudyo, batay sa lihim na katangian ng kanilang mga pamamaraan at sa natatanging pagkakakilanlan ng mga manggagawa ng salamin kumpara sa iba pang bahagi ng populasyon. Kung ganoon nga, sila ay ganap na naasimila, maliban sa kanilang tradisyonal na pagkakaiba sa sarili.[7]

Ang mga gumagawa ng salamin sa Altare ay inorganisa sa mga gremyo, hindi katulad ng ibang mga manggagawa noong medyebal na panahon. Ang gremyo ng gumagawa ng salamin sa Altare ay itinatag noong 1856 bilang Società artistico-vetraria d'Altare.[8] Ang samahan, na kilala bilang Unibersidad, ay nagpanatili ng mahigpit na kontrol sa mga pamamaraan ng mga gumagawa ng salamin.[9][10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  2. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Demography in Figures". Istituto nazionale di statistica (ISTAT). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-22. Nakuha noong 2010-03-06.
  4. ↑ "City of Altare". comuni-italiani.it.
  5. ↑ The altitude is embossed on the plaque that marks the summit of the pass.
  6. ↑ Mallarini, Anselmo L'arte vetraria altarese, Bacchetta, 1995
  7. ↑ Kurinsky, Samuel. "The Glassmakers of Altare". Hebrew History Federation (HHF). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 April 2010. Nakuha noong 7 March 2010.
  8. ↑ Laveleye, Emile de (1886). Letters from Italy. London: T. Fisher Unwin. p. 113.
  9. ↑ Gasparetto, A (1958). Il vetro di Murano dalle Origini. Venezia.{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link)
  10. ↑ Badano Brondi, Maria (2003). Il centro vetrario di Altare. Altare: Istituto per lo studio del vetro e dell'arte vetraria.

Karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]