Alberobello
Alberobello | |
|---|---|
| Comune di Alberobello | |
Hanay ng mga trullo | |
| Mga koordinado: 40°47′N 17°14′E / 40.783°N 17.233°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Apulia |
| Kalakhang lungsod | Bari (BA) |
| Mga frazione | Coreggia (Orihinal na pangalan ay Correggia), ang isang frazione ng Alberobello simula 1895, San Leonardo |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Michele Maria Longo [1] |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 40.82 km2 (15.76 milya kuwadrado) |
| Taas | 402.5 m (1,320.5 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[3] | |
| • Kabuuan | 10,725 |
| • Kapal | 260/km2 (680/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Alberobellese(i) |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 70011 |
| Kodigo sa pagpihit | 080 |
| Santong Patron | San Cosme at Damian |
| Saint day | Setyembre 25-26-27-28 |
| Websayt | Opisyal na website |
| Official name | Ang mga trullo ng Alberobello |
| Pamantayan | Kultural: iii, iv, v |
| Sanggunian | 787 |
| Inscription | 1996 (ika-20 sesyon) |
| Lugar | 10.52 ha |
Ang Alberobello (Italyano: [ˌalberoˈbɛllo]; literal na "magandang puno"; Barese: Ajarubbédde) ay isang maliit na bayan at komuna sa Kalakhang Lungsod ng Bari, Apulia, Katimugang Italya. Ito ay may 10,735 naninirahan at kilala sa mga gusaling trullo. Ang trulli of Alberobello ay itinakda bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO simula 1996.[4]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang paninirahan sa lugar ay nagsimula lamang noong unang bahagi ng ika-16 na siglo sa udyok ng Konde ng Conversano Andrea Matteo III Acquaviva d'Aragona. Pinayagan niya ang humigit-kumulang apatnapung pamilyang magsasaka mula sa Noci na manirahan dito at magsaka ng lupa, na may obligasyong bigyan siya ng ikasampung bahagi ng kanilang mga pananim.
Noong 1635, ang kanyang kahalili, si Konde Giangirolamo II (1600–1665) ay nagtayo ng isang tuluyan na may taberna at isang oratoryo at sinimulan ang urbanisasyon ng kagubatan sa pamamagitan ng pagtatayo ng ilang maliliit na bahay. Ang pagpapalawak ng urbanisasyon ay natulungan, una sa pamamagitan ng kasaganaan ng kalisang kalkareang sedimentarya mula sa nakapalibot na tanawing karst , at pangalawa, ng kahilingan ng Konde na magtayo lamang ng mga bahay na may mga tuyong pader na bato nang hindi gumagamit ng mortero, na magiging kakaibang trulli. Ang obligasyong ito na magkaroon ng mga bahay na itinayo mula sa tuyong bato lamang, ay isang paraan ng Konde upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis sa Español na Viceroy ng Kaharian ng Napoles. Ang sentro ng Alberobello ay itinayo sa daluyan ng sinaunang ilog Cana, na ngayon ay sinusundan ng Largo Giuseppe Martelotta, ang pangunahing kalye ng bayan.
Mga ugnayang pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Alberobello ay kambal sa:
Shirakawa-go, Hapon
Gokayama, Hapon
Monte Sant'Angelo, Italya, simula 2013
Andria, Italya
Harran, Turkiya, simula 2013
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.comune.alberobello.ba.it/index.php?option=com_content&view=article&id=25&Itemid=26&skin=white&size=%%[patay na link]
- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ Centre, UNESCO World Heritage. "The Trulli of Alberobello". UNESCO World Heritage Centre (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-02-05.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website Naka-arkibo 2021-10-27 sa Wayback Machine.
- Alberobello.com
- Turismo sa Alberobello
